
Hawak kamay mu na binitawan mu pa…andyan na tinatalikuran mu pa kasi kala mo hindi ka pa handa.
Hindi mu rin naman masisisi ung sarili mo kasi isang sobrang masakit na nakaraan ung pinag daanan mu. Na sa sobrang sakit pinipili mong manatili na lang sa alala mu ung kahapon na yun para lagi mong maaalala na hindi laging totoo na masaya lagi ang ending gaya ng imaheng nais iproject ng media. Kasi ung sau…akala mu hindi na matatapos ung mga masasayang oras, pero it had to end. Pinilit mong ayusin pero hindi na talaga naayos. Binigay mu lahat kahit na ung hindi mu na kayang ibigay, just to make it work…hindi mu alam na offset mu na pala un para emotions mu na dapat para bukas mu pa gagamitin…nagising ka na lang isang araw, parang wala ka na maramdaman o kinondisyon mu lang sarili mu na may selective amnesia ka at may mga bagay kunwari na hindi mu nanatatandaan…kaya ng paano ba magmahal.
Andyan lang sana pero hindi ko pinapansin….kasi akala ko andyan lang palagi. Hinayaan kong nandyan lang hanggang sa hindi ko napansin na papalayo na pala ng papalayo ung mundo nia. Umikot ako sa sarili kong mundo samantalang ilang pinto ang nagbukas sa kanya. Aware ako dun, ciguro naging masukista ako o bumaba ang moral ko dahil sa past ko. Sabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan na lumalayo ang mundo nia..hindi ko naman kayang ibigay ung pagmamahal na mabibigay nitong taong to sa kanya bakit pa ako papasok sa eeksena?ciguro this is the best thing to happen…nakangiti kong tinatanggap ung ganung idea…pilit kong niproproseso sa utak ko at pilit kong ni-fefeed sa emotion ko na iyon ung pinaka tamang bagay na dapat gawin.
One thing I learned…we can only fool ourself at a certain extend. Dadating at dadating ka sa realization na hindi mo na kayang dayain ung nararamdaman mo…pero wala ka ng magawa kasi iba na ang lahat.Tapos na ang kahapon, nagsisimula na ang ngaun. Sana lang…kahapon naicip ko na matagal ng tapos ung nakaraang gabi para naging iba ung ngaun.
No comments:
Post a Comment