Saturday, April 27, 2013
Plot
Time and time again, pag mabait ka inaabuso ka...pag sinalamin mo ung ugaling pinapakita sau may pakiramdam ka na parehas nio iniisip na masama ang ugali mo, kasi you don't get mad...you get EVEN.
Truth is...sa totoong buhay wala naman bida, wla rin kontrabida...at lalong walang biktima. Lahat ng nangyayari satin produkto ng kung ano ang pinahintulutan natin maging parte ng magiging end result ng desisyon natin.
Sa huli kung bakit nasasaktan ang tao, wala dapat sisihin kasi sa mundong ito ang pag aari mo lang at kaya mo kontrolin ay ang sarili mong nararamdaman at hindi mo maaring i impose o idikit sa noo ng sinoman n parang post-it ang dapat ikilos ng ibang tao.
Reality bites...sabi nga di lahat ng gusto mo makukuha mo at minsan kahit nakuha mo na mapapaisip ka kung tama ba o dapat nirespeto mo na lang sa baul ng nakaraan ang isang bagay na iningatan at pinaniwalaan mong sagrado.
Isang umaga nagising ka matapos ang isang napakahabang bangungot. Kung nagising ka ng mas maaga pwede mo isisi sa ibang tao o pangyayari kung bakit un ang napanaginipan mo. Pero dahil tinapos mo ang buong bangungot bago mo piniling magising, ang huli na lang na nasa isip mo ngaun...
"Sana bukas,pag pinikit ko uli ang mga mata ko, wala na yung takot. Kasi sa pagtulog hindi ung mismong bangungot ang nakakakaba kundi ung pakiramdam na maaari kang bangungutin."
P.S. April 20,2013. Patuloy ang pag ulan sa Pasir Ris kaya siguro inaanod ng mga patak ng ulan ang mga butil ng kaisipan na naglalaro sa aking balintataw
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment