Today, I was told that a friend of my kumare passed away who I think in
his late 20's. I don't personally know him but I just got so affected
with the news. I guess I am one with everyone in saying no one should
die at such age when all the possibilities are still at the verge of
happening.
Kaya dapat talaga mahalin natin buhay natin,kung may mali dito...gawan mo ng paraan, kung kay gusto ka, ituloy
tuloy mo, i enjoy natin lahat ng pangit at magandang nangyayari, araw
araw magpasalamat sa biyaya ng muling pagkagising. Matuto mag sorry kung
kinakailangan o kahit na hindi kailangan kung hinihingi ng pagkakataon,
pilitin gawin ang tama at iwasan ang mali, tantanan ang mga bagay na
patuloy na nagpapasakit ng kalooban mo at bigyan ng pansin ang ilang
aspeto ng buhay na may potensyal, wag gawing big deal ang di naman big
deal, tignan kung ano ang maganda sa pangit, gumising na may ngiti at
pumikit sa gabi na naka ngiti pa rin, kumain ng tama at wasto, ilabas sa
sistema ang mga negatibong enerhiya.
Kasi isa lang buhay
natin, hindi ito kagaya ng super mario brother game na nilalaro natin
nun bata pa tau. Pag na dead ka, di mo na pwedeng ulitin simula level
one.
Friday, May 25, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment