
Sobrang pamilyar na tau sa mga pink na karatula na nakalagay sa buong Metro Manila. These one I found while surfing the net a few days ago...initially it made me laugh cause it seems to be so funny. Originally nakalagay talaga dyan "BAWAL TUMAWID...NAKAKAMATAY"
Narealize ko na sa dinami dami ng mga nagkalat na na panawagan tulad ng original na text ng karatula na yan, marami pa rin ang nagbabalewala sa karatula at sige pa rin ang mga tao sa pag tawid. Hindi naman un safety ng tao ang concern ko sa pagsulat nito...at their own risk ginagawa nila ang pagtawid...liability nila sarili nila dahil sa katamaran na tumawid sa tamang tawiran at sa paghahanap ng mas madaling paraan. It is non of my business.
Kaso ang nakakainis...it shows kung gaano kawalang disiplina ang ilang mga tao sa paligid natin na sa maliliit na bagay hindi nila magawang sumunod...
Matagal ko ng gustong sumulat ng isang katulad nito subalit pinipigilan ko lang ang sarili ko kasi alam kong marami akong masasagasaang tao...at kabilang na ako dun pa minsan subalit parang obsessive-compulsive behavior na para sa iba ang pag gawa ng mga baluktot na gawain..Na sa araw araw na pamumuhay mo, sa pag cocummute mo, sa pagsakay mo ng MRT, sa paglakad mo sa kalye, sa pag uwi mo ng bahay at on the large scale sa pag bukas mo ng TV makikita mo ang mga masasamang asal natin na nagtutulak pa para lalong dumumi ang Pilipinas, sa literal at sa mas malalim nitong kahulugan...
Naniniwala ako na bago natin icipin na paunlarin ang ating bansa aba eh simulan muna natin paunlarin ang ating sarili...pag magsisimula ka sa sarili mo una mong dapat ayusin ang takbo ng utak mo...pag tama ang mindset mo, malinaw ang icip mo, gagawin mo ang tama, hindi ka lalabag sa mali, aayusin mo buhay mo...uunlad ang pagkatao mo...susunod nito aayos ang buhay at estado ng buhay mo. Tapos para kang virus na kakalat sa kapwa mo...magiging epidemic ka na lahat ng tao sa paligid mo ay mahahawa sa kahusayan mo sa pag ayos ng buhay mo...In the long run, hindi na lang cia community outbreak bagkus kakalat ang kwento ng kaayusan ng mga buhay nio sa buong bayan. Uunland na ang Pilipinas. O diba ang ganda?
Ok ok...kung hindi kaya ng powers mo at ng sistema ng katawan mo na i absorb ang salitang DISIPLINA...utuin mo ang sarili mo. Ipasok mo sa kokote mo na para maging maganda ang buhay mo, kailangan mong maging mabuting bata, at bilang mabuting bata kailangan mong iwasan ang ilan sa mga bagay na babanggitin ko. Ready ka na?
1. Pag nakita mo na ung mga ganyan karatula, wag ka na makulit. Pag sinabing wag kang tatawid dyan, wag ka na tumawid...e ano kung kailangan mo pang maglakad ng mas mahaba para puntahan ang overpass, isipin mo na lang exercise un. Aba, sa bilis ng takbo ng buhay ng tao sa Metro Manila, kailangan healthy ka pa rin kahit na busy ka sa sa trabaho at eskwela. Pahabain mo lifespan mo!
2.SCENARIO 1 (SA LOOB NG JEEP) Utang na loob, upong 7 piso lang kapag siksikan na, E tang na naman...ilang beses ko na naranasan na tip na lang ng pwet ko ung makaupo at isang ugat ko na lang ang di pumipirma para mahulog ako sa kina uupuan ko samantalang ikaw na magaling ka! nakaside view ka pa habang nanunuod sa labas ng view...O kaya dalawa pa kau ng kasintahan mo na naka ganun, galit ka pa pag siniksik kita...Alam mo mas katanggap tanggap pa na kaya hindi ako makaupo kasi anim na matatabang tao ang katabi ko. Maluwag sa loob na tatangapin ng sistema ko un. Wag po puro sarili ang iniisip.
3.SCENARIO 2 (SA LOOB NG JEEP) Maluwag ang jeep, may nauna na sumakay sau. Cia umupo sa pinaka malapit sa driver para maiabot ung bayad nia agad agad. Sumakay ka, pero mas pinili mong maupo sa malapit sa dulo ng jeep para nga naman madali ka maka baba agad. Magbabayad ka, at pilit mong pina abot ang bawat mo sa taong malapit sa driver samantalang pwede kang umusog papunta sa driver. Teng kakupalan mo, bulok! Tamad ka na magulang ka pa.
Although ang pagsakay sa jeep ay simbolo ng pag kakapit bisig ng mga pinoy at pagiging matulungin natin kasi at any rate wala naman batas na nag uutos sa katabi mo na ipasa ung bayad mo sa driver, that person is doing you a favor. Mag "Thank you" ka naman din minsan, don't worry hindi ka lalagnatin pag ginawa mo un.
4. MAY PILA PO: Ilan beses ka na ba nasingitan sa pila kesyo sa enrollment sa school yan o sa pag pila sa pagbili ng tictket sa MRT, LRT at sa pagbabayad ng bills. Minsan ang sarap butukan ng mga taong gumawa nun, badtrip kasi mag paparinig ka na, sila naman parang ala naman narinig. Isa silang malaking bato. Feeling mo tuloy minsan isa kang piko, gusto mo silang tibagin hanggang madurog sila. One time, maiinit ang ulo ko at ang haba ng pila ng FX pauwi. As much as would not want to be rude to this girl na sumingit mismo sa harap ko sinenyasan ko cia na may pila. She didn't get it at first, inulit ko this time nagsalita na ako... aba parang walang narinig...pangatlo, inulit ko uli sabi ko pag may pang apat pa magrarambo na ko pero umalis na. Kaso imbes na pumunta sa dulo ng pila nagpunta pa sa mas malapit sa sakayan without saying a word. Natawa na lang kami ng mga kasunod ko sa pila.
ANG TIKAS MO ATE!(Pu#@! ka) Pangarap din namin makauwi ng maaga!
5. MGA LIGAW NA ASO AT PUSA NG MAYNILA - Walang hinihintay na oras at panahon pag ang kadugyutan ang tumawag sa ilang tao. Ang sidewalk ay daanan ng tao, oo wala na nga sidewalk vendors ang galing galing, kaso mapanghe naman! Wala naman urinal, the only thing na makikita mo poste kung saan malayang maglabas ng sama ng loob ang ilan. Kailangan pa bang imemorize yan? Buti pa mga aso madaling turuan...nagpapakatao bakit ang tao nagpapaka aso sa pag ihi sa pader.
Tapos ang pagdura sa kung san san ay isa nang universal thing among the guys and girls. Minsan kaganda at kaseksi pang babae ang titigil sa paglalakad, hihinga ng malalim at ibubulwak ang makapangyarihang ...Maryosep a friend of mine was once walking upstairs at gumagabay sa hawakan ng hagdan nang ng may mahawakan ciang malagkit na bagay which could either be sipon or plema. He didn't had the guts to investigate though.Halos maiyak cia sa pambababoy sa kanya, nandiri cia sa sarili nia, agad kinuskos ang likidong nilalabas lamang dapat sa tamang lugar. Urbanidad, urbanidad asan ka? Kanyang sinisigaw sa kanyang paghingi ng hustiya...Hanggan ngaun tila hindi na nabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanya...samantala, itago na lang natin cia sa pangalan Dennis ha ha!
Napakadami ko pang naiicip, naririnig at nakikitang mga maling gawain natin bilang mga tao. Pero the list could go as long as possible, nakakapagod mag lista ano! Ciguro nga hindi tayo ganun ka aware sa mga epektong pwedeng idulot ng mga maliliit nating gawain na paglaon at nag dudulot ng mga mas malalaking complikasyon sa pag gawa natin ng tama. Tapos we just settle for what we are comfortable and what is convinient. Pero utang na loob, LASPAG NA LASPAG NA ANG KALAYAAN NATIN SA PAG GAWA NATIN NG MGA BAGAY NA NAKAKASAKIT SA IMAHE NG KUMUNIDAD NATIN.
HINDI PORKE ALANG BATAS SA MGA BAGAY NA MALAYA NATIN NAGAGAWA GAGAWIN NA NATIN UN. MATATALINO DAW MGA PILIPINO...DAGDAGAN NA LANG NATIN NG RESPONSILIDAD MGA BAGAY NA GINAGAWA NATIN...UUNLAD KA, UUNLAD AKO...UUNLAD TAU. KAHIT PARA NA LANG SA SARILI MO GAWIN MO
No comments:
Post a Comment